Monday, December 12, 2011

"KESO--ctionary"

We KESO's live in our own world.
Speak our own language.
Sing our own song.
we are what we are.
S0, here is our "KESO--ctionary"
a guide to the KESO language.








Balahura- yan ang term pag binababoy ka na, sinasalbahe, o niaapi. (i.e binabalahura)

Boset- pag ikaw ay sinabihan ng "boset" it means "i love you puro ka kalokohan"

Bundol- ang tawag sa taong puro kalokohan at puno ng ka ewanan

Bwct-pag ito naman ang version na natanggap mo, think twice. Someone is really annoyed at
you.

Cute- natutuwa lang.

Cge- as in yan lang ang reply sayo, hala ka...may nagtatampo sayo.

Hayop- nakakatawa very very light ang sinabi mo.

Hayup- or sometimes (Hayuuuup) means nakaka tawa talaga ang sinabi mo.

Kyoht- tuwang tuwa very very light.

K- may tampo na din yan

Shat ap- means, magtigil ka. (usually this "shat ap" is followed by "hahahaha" so, its a good thing pa.)

Shut up- means "next topic please malapit na akong ma annoy" (pag may "!" na kasunod, dapat gets mo na, shut up na talaga.)

Tseh- tampong kunyari nagpapalambing lang yan sa totoo lang.

Okay =)- pag wala ng masabi ang katxt mo, idadaan ka na sa ngiti.

OhMiGosh!!!- prepare your self, you will be bound till next century dahil may juicy chismis coming up.









Friday, November 25, 2011

Random

Aking Anghel ng Buwan,

 

 

 

                                    Saan nga ba nag-umpisa yang anghel ng buwan? Natatawa ako. Nakakatawa naman kasi, pwede namang anghel lang, dinugtungan ko pa ng buwan, mga kabalahuraan talaga natin. Hahahaha. Ay teka, naalala ko nah, kasi diba anghel kita tapos para kang buwan na may epekto sa mood ko, lakas ng hatak at dagdag pa doon, para ka ding buwan, MAY TOPAK lang. Bakit nga ba ako sumulat? Wala lang. Eh gusto ko. Kaya lang nagdadalawang isip pa ako kung ipapabasa ko ba sayo, we’ll see. In the near future. Dami2 ko gustong sabihin sayo, di ko naman alam kung saan at kung paano magsisimula, pagpasensyahan mo na kung magiging random ako.syempre, alam mo na mahal na mahal kita pero I want you to know, that every time I say “I love you” I wanted to tell you so much more than those three little words I want to tell you that you mean the world to me, na ayoko na bumalik sa dating ako dahil ibig sabihin no’n ay tinalukiran ko na lahat ng tinuro mo sa akin (tinuro talaga). Isa-isahin nga natin kung ano-ano ang mga tinuro mo sa akin. Una, na hindi masaya ang mag-isa. Pangalawa, kung di mo pa ako kinulit ng bongga sa twitter di ko pa aaminin sa sarili ko ang tunay na nararamdaman ko (at dahil dun, I had my first iyak in a long time.) Third, syempre mga kahayupan (rereact yan sigurado). Pinaka importante sa lahat, na hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat pag-isipan ko ang mga bagay dahil may mga instances na ang pinaka tamang gawin ay tanggapin nalang ang mga dumating ng walang questions.

            Second paragraph, para naman ito sa mga pagpapasalamat ko. Salamat kasi palagi mo akong pinapatawa, ikaw higit kanino man ang nakaka alam ng mga bagay na talagang makakapag pasaya sa akin yung happiness na hindi cliché’ pero yung talagang wagas na kaligayahan. Salamat din kasi nga diba mahirap para sa akin magsabi ng mga dinaramdam pero sayo, hindi mo na hinahayaang mahirapan ako dahil di pa man ako natatapos sa gusto kong sabihin, alam mo na agad. Sa paulit-ulit na pagsalo sa akin pag dumadating ako sa breaking point ko, sa pakikipag talo sa akin ng walang pag-aalinlangan pag nakikita mo na mali ako. Sa napakalaking tiwala kahit kung iisipin naman talaga ng mabuti ay nagsimula lang tayo sa internet ka kahit sino ay maaring magpanggap, sa pagpaparamdam sa akin na may kwenta akong tao, sa pagmamahal na walang kapantay, sa pang-aasar sa akin (ng madalas), sa suporta sa mga kalokohan ko (alam mo na mga kagagahan ko kay ante at sa mainit niyang hita), sa paglalambing sa akin na madalas ay nauuwi sa ako ang maglalambing sayo (wag na magreact), sa effort kung effort na mga suplays, sa matatamis na salita (at sa maanghang na din). Madaming madaming salamat sa pang araw araw na happiness na dulot mo sa akin.
salamat sa pagdating sa buhay ko. Salamat sa pagtibag sa pader. Salamat sa lahat lahat. (naka 7 salamat ako.hahahaha)

            Alam ko hindi ka naman talaga naniniwala sa tuwing sinasabi ko sayo na hangang-hanga ako sayo. Ngayon maniwala ka na ha.. Kasi kokonti lang ang taong namimilosopo sa akin na napapatawad ko, sa tuwing nasusubok mo ang pasensya ko at kung gaano ako kadaling tumitiklop dahil sayo ay naku, jan saludo ako sayo. Sa katatagan mo (hello, bagyo at lindol ang hinarap mo at shecks, buong pagmamalaki kang bumangon). At kahit kailan ay hindi ako nanalo at mananalo sayo (inexplain ko na yan dati). Sa mga kalokohan mo. Sa charm mo, na kahit anong kabundulan ang gawin gawin mo at the end of the day napapatawad ka parin ng mga tao dahil nga dinadaan mo KAMI sa charm mo. (Diosme!! Alam na alam ko ang ibig sabihin nehto).

            Pag tinotopak ikaw, ewan kung bakit pero mas tinotopak ako. (bwahaahahahah buwan ka kasi) madalas ang dahilan ng pangingilid ng luha ko sa tuwing tinotopak ka ay ang pakiramdam na pwede pala akong maapektohan ng ganito katindi sa mood ng ibang tao. Syempre ngayon ko lang naramdaman yun kaya medyo mahirap mag adjust. Alam mo, sa maikling panahon na nagkakilala tayo masasabi ko talaga na “we grow up”. Nag grow tayo emotionally at naging mature (except kay jessa. Hahahahha). Minsan naiisip ko, siguro mababaliw ako pag nawala pa kayo sa buhay ko (but then again, baliw naman talaga ako to begin with). Ewan ko lang kung mas malapit ang puso ko sayo dahil tayo ang madalas nagkakatext o dahil sa inyong 5, ikaw ang pinaka nakakakita at hinahayaan kong maka silip sa tunay na nilalaman ng puso at isip ko.

Alam mo bang noong nagkataasan tayo ng boses dahil kay Jessa mas lalo akog napalapit sayo, iniisip ko talaga, doon na nagsimula ang tunay na pagkaka-ibigan, at kita mo naman tayo. Pagkagkaka asaran, ilang oras lang na pagpapalamig balik ulit sa dating kabundulan. Hindi ko naman sinasabing in love ako sayo sa lahat ng oras alam ng Diyos kung paano din ako mabwisit sayo ng bongga, pero ang maganda dun, alam mo, bastat nararamdaman mo at gaya nga sa lahat ng bagay, isang banat mo lang, wala piyok ako sayo. Minsan nga napapahiya ako sa sarili ko dahil sinasabi ko na matapang ako, matigas, insensitive, tapos pagdating sayo isang “nay, I love you” lang durog lahat ng kaartehan ko. Hewan ko bah kung ano ang meron sayo at iba ang dating mo sa akin.
            Pagod na ako kakatype. Hahahahahahah. Tapusin ko na dito. Kaloka naman bakit ko ba kasi naisip mag gawa ng sulat..hahahah wa wents naman ang laman, ka ek-ekan lang. pero, uulitin ko. NAGPAPASALAMAT ako at dumating ka sa buhay ko. I LOVE YOU Strawberry much.

 

 

 

Love,

           Nay.